Kung napapansin mo ang mga presyo ng Stocks ngayon sa Stock Market ay bumababa. At kung ang portfolyo mo ay puro kulay pula? At natatakot ka sa pwedeng maging resulta o kahahantungan nga pera mo? Basahin mo ito:
- Bahagi talaga ito ng proseso ng stocks. Hindi laging umaakyat ang market. May mga panahong nalalaglag ito ng malaki. At sa totoo lang hindi pa din gaanong malaki ang mga laglag na ito kung titignan mo ang kasaysayan ng stocks sa Pinas.
- Walang nakakasiguro kung hanggang saan o hanggang kailan itong pagbabang ito. Mayaly mo baka bukas umakyat na. Pwede ring malaglag lalo.
- Hindi ito panahon para biglang maging "long-term" investor ka kung nagsimula ka bilang trader. Kung trader ka talaga, disiplinahin mo ang sarili mong mag-cut-loss. Bahagi yan ng pagiging tunay na trader.
- Kung nagko-cost-averaging ka naman, hindi ito panahon para biglang baguhin ang schedule o halaga ng pagbili. Again, disiplina ang kailangan. Magtiwala ka sa sistema.
- Kung nasa mutural funds o UITF ka, basahin mo ulit yung fund fact sheet ng fund mo. Intindihin mo kung ano ang hawak ng fund mo para hindi ka magulat kung sakaling bumgsak ito sa mga susunod a araw.
- Bago po tayo gumamit ng katagang "BEAR MARKET" o crash, pag-aralan po muna natin ng maigi. Hindi basta basta ang tunay na bear market. Ingat din po tayo sa pagsasabing "Sana mag-crash market para makabili ng mura."
- Hindi rin ito dahilan para HINDI mag-invest. Tamang matakot ka din sa nangyayari kaya mag-aral para mabawasan ang takot.
- Huwag manghinayang kung hindi ka nakabenta sa tuktok. Kung kumikita ka pa din sa ngayon bakit hindi ka magbenta ng bahagi at mag-enjoy ka naman.
- Kung ikaw naman ay bumili sa tuktok, balikan mo ang dahilan mo kung bakit mo binili yung stock. Kung valid pa din yung dahilan, tuloy mong hawakan. Kung hindi na, pag-isipan mo nang ibenta.
- Iwasan ang pag-gamit ng facebook analysis. Mag aral ng maayos para naman mapangalagaan mo ang perang pinaghirapan mo.
No comments:
Post a Comment