FAQ

Frequently Ask Questions:

SCAM BA  YAN?
Kung sa tingin mo scam ang SM, AYALA, PLDT, MERALCO, JOLLIBEE, BDO, BPI, etc, malamang scam nga. Pero HINDI po. Ang isang kumpanya, bago siya maging "PUBLICLY LISTED COMPANY" or bago pa man siya mapasama sa stock market, ito ay masusing sinusuri ng mga financial experts Philippine Stock Exchange, ang regulatory body sa Philippine Stock Market.

PAANO MAGSIMULA?
Bago ka magsimula, I highly suggest na panuorin mo muna at intindihin ang 13 EPISODES ng PESOS and SENSE: http://pesosandsense.com/the-tv-show/ para mas malinaw at mas detalyado ang paliwanagan about sa stock market. Ang PESOSANDSENSE ay TV Show ng GMA aired last 2011 para i-educate ang mga Pilipino sa stock market at sa iba pang mga uri ng investments.

PAANO KUMITA SA PHILIPPINE STOCK MARKET?
May dalawang paraan para kumita sa stock market ito ay ang:
  • Dividend - Parte mo sa kita ng company. Parang commission ito mula sa compay dahil STOCKHOLDER ka nila.
  • PRICE APPRECIATION - balang araw tataas ang presyo ng stocks/share na binili mo. So kung nabili mo ng mura tapos balang araw nagmahal ang presyo at ibinenta mo ito, kumita ka na.
MAGKANO ANG KIKITAIN KO?
hindi ko alam, dahil walang fixed na kita. Ang kikitain mo at kung gaano kabilis ka kikita ay nakadipende sa:
  • Performance ng company na binili mong stocks/shares.
  • Performance ng ekonomiya
  • Market Price
MAGKANO ANG KITA PAG MAY NAIREFER?
Wala, hindi referral system ang Philippine Stock Market.

MAY POSIBILIDAD BA NA MALUGI AKO?
Meron, lalo na kung:
  • Sa mga hindi kilalang company ka bumili ng stocks/shares.
  • Nagbenta ka ng stocks/shares na mababa sa presyo noong binili mo.
KAPAG BUMABA ANG PRESYO NG BINILI KONG STOCKS/SHARES, LUGI NA BA AKO?
Hindi, wag kang mag matakot, normal lang yan. Dapat nga mas bumili ka pa ng stocks/shares kasi mura lang ang presyo, at balang araw tataas ulit ang presyo nyan.

KAPAG BUMABA ANG PRESYO NG BINILI KONG STOCKS TAPOS IBINENTA KO, LUGI NA BA AKO?
Oo, kaya dapat wag kang magbenta ng stocks/shares kapag mababa ang presyo. Dapat nga mas bumili ka pa ng stocks/shares kasi mura lang ang presyo at balang araw tataas din ang presyo nyan.

NORMAL LANG BA NA PABAGO-BAGO ANG PRESYO NG STOCKS/SHARES?
Oo, minsan mataas, minsan mababa. Hindi mo mahuhulaan kung tataas o bababa.

KAILANGAN BA NG 5,000 PESOS EVERY MONTH?
Hindi, Pwede ka mag open ng account with 5,000 pesos tapos kahit magkano na ang pwede mo idagdag sa funds mo sa kahit anong araw mo gusto. (monday-friday)

MAY MAINTAINING BALANCE BA?
Wala, kahit maubos ang laman ng account mo ok lang.

PAANO PAG NAKALIMUTAN MO MAGDEPOSIT O KUNG WALA KANG PERA?
Ok lang, walang problema dun. Walang penalty of fees at hindi rin mawawala ang account mo. Depende kasi sayo kung kelan at kung magkano mo gustong mag deposit o mag withdraw.

ANONG STOCKS/SHARES ANG MAGANDANG BILHIN?
May mga recommended stocks na magandang bilhin sa EASY INVESTMENT PROGRAM ng COL FINANCIAL. pero para mas mamaximize ang earning potential ng pera ninyo, I suggest mag-member kayo sa TRULY RICH CLUB (TRC) para makatanggap ng buwanang STOCKS UPDATES.

ANO ANG TRULY RICH CLUB?
Ang Truly Rich Club ay isang grupo na pinamamahalaan ni BRO. BO SANCHEZ. (Siya yung nasa episode 1 ng Pesos and Sense). Optional lang naman ito, pede ka naman mag invest sa stock market kahit di ka member nito.

ANO ANG ADVANTAGE PAG TRC MEMBER KA?
Kapag TRC member ka, mas guided ang pag invest mo sa stock market. Dito gumagamit ng Strategic Averaging Method (SAM). Ito yun combination ng Peso Cost Averaging at Trading. So kung combied ang Peso Cost Averaging, mas mataas ang magiging kita mo kumpara s EIP lang and mas safe ang pag iinvest mo compared to Stock Trading lang.

PAANO KAPAG NAGSARA ANG BROKER KO, LUGI NA BA AKO?
Hindi, REGULATED ang particpants sa stock market ng Philippine Stock Exchange, INC. (PSE). In case magsara ang broker pwede mo makuha ang stocks certificate mo sa PSE at pwede mo itong ilipat sa ibang broker.

ANO ANG ADVANTAGE NG STOCK MARKET?
  • Sa stock market, sure yan na hindi scam basta sa brokers ka lang na nakalista sa www.pse.com.ph mag oopen ng account.
  • Mas kikita ang pera mo kumpara sa kung pinatulog mo lang ito sa bangko.
  • Mas nakakasigurado na lalago ang pera mo at hindi maglalaho kumpara sa mga networking sa tabi tabi.
ANO ANG DISADVANTAGE NG STOCK MARKET?
  • Volatile o mabilis magbago ang presyo (taas at baba)
  • Kailangan ng pasensya dito dahil pang LONG TERM ito, kaya bawal ito sa mga taong nagmamadaling kumita. Tandaan ang stock market ay para sa pera mo na pang SAVINGS. Wag mo iinvest dito ang pera mo for your cost of living.
PAANO PAG NAMATAY KA?
Yung stocks/shares mo ay magiging parte ng real-estate mo na pwedeng manahin ng asawa mo or ng mga anak mo. Pwede mo rin maging ka-joint account ang asawa mo sa account mo kung gusto mo.

KAILANGAN BA NA TUTOK KA SA PAG MOMONITOR NG STOCKS MO?
Hindi naman. Pwede mo icheck ang stocks mo anytime you want. Kahit nga once a month lang ok lang or kung kelan ka lang bibili ng stocks lalo na pag member ka ng TRC, dahil sila ang bahala sayo.

ANO ANG KAIBAHAN NG MUTUAL FUNDS AT STOCK MARKET?
  • Sa mutual fund, may fund manager na humahawak ng pondo mo. May mga rules siya na dapat mong sundin at siya ang nagdedesisyon kung saan iinvest ang pera mo. Syempre, dahil expert sila at sila nagmamanage sa pagpapalago ng pera mo, less risk pero mas malaki ang chareges. Kung ihahalintulad sa biyahe nagko commute ka lang at nagbabayad sa driver para makarating sa pupuntahan mo. Kahit ZERO knowledge ka sa stocks/mutual funds, ok lang dahil may fund manager ka.
  • Sa stock market, ikaw ang bahala sa lahat. You make your own rules. Ikaw ang bahala sa kung magkano ang ipopondo mo at kung saan mo ito iinvest. kung ihahalintulad sa biyahe, you drive your own car and you plan your own route para makarating sa pupuntahan mo. Risky ito kung hindi ka PROPERLY EDUCATED sa stock market kasi baka magpadala ka lang sa takot mo at ibenta mo lahat ng stocks/shares mo pag nagcrash ang market at bumaba ang presyo. Pero kung nauunawaan mo naman ang behavior ng stocks, less risk rin ito. Investor education plays an important role. Pero huwag kang matakot lalo na pag member ka ng TRC, dahil si Bro BO Sanchez ang bahala sayo.
ANO ANG MAS MAGNDA MUTUAL FUNDS O STOCK MARKET?
Ikaw lang ang makakasagot niyan kung ano ang mas maganda sa palagay mo.

MAY SEMINAR BA PARA DITO?
Meron, pwede kayong magpa register sa: https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/investor_education.asp pero mas detalyado ang paliwanag sa mga episodes ng Pesos and Sense kumpara sa 2-hours seminar ng COL FINANCIAL. Pero maganda rin kung aattend ka ng seminar sakaling may mga tanong ka pa. Pwede rin kayong mag apply ng account on the spot after the seminar.

SAANG STOCK BROKER MAGANDANG MAG OPEN NG INVESTMENT ACCOUNT?
number 1 online stock broker ang COL Financial as ranked by PSE. Performance wise, lamang siya sa ibang online stock brokers like BPI Trade and others

TUWING KAILAN ANG CASH DIVIDEND?
Walang nakakaalam, dipende sa company kung kailan sila mag bibigay ng cash dividend.

TUWING KAILAN ANG STOCK DIVIDEND?
Walang nakakaalam, depende sa company kung kailan sila mag bibigay ng stock dividend.

TUWING KAILAN PWEDENG BUMILI NG STOCKS?
The Stocks are open on Monday to Friday,
  • 09:30am to 12:00pm
  • 01:30pm to 03:30pm

4 comments:

  1. Hello ask ko lng po.. May nakilala ksi akong fund manager sa stock.. Nasa trc din sya day trader sya sa stock market
    Ang usapan is ganito po
    Mag invest ako any amount kaya Nag invest ako 20k. After 2months may 40% ako kikitain.
    Bale 20k x. 40%= 8k
    So bale ang makukuha ko sa 2month is 8k bale 28k lahat
    Is this legit??
    Need opinyon po ty

    ReplyDelete
  2. saan na ako pwedeng magbenta ng stocks kasi kailangan ko ng pera sa tuition ng anak ko? salamat.

    ReplyDelete
  3. gusto ko na sanang ibenta ang share ng asawa kong namatay kasi kailangan ng mga anak ko ng tuition sa school.sino pwede kong kausapin para maibenta ang shares sa phil stock exchange. salamat

    ReplyDelete
  4. Ano ano po yung mga requirements para makuha ko yung inimvest ng aking ama sa soriano corporation patay na po kasi sya

    ReplyDelete